ang pananakop ng mga briton

Ang pananakop ng mga Briton


Ang batong pader ng Intramuros ay malakas at malaki. Gayunpaman, hindi nito nailigtas ang lungsod nang dumating ang mga Briton noong 1762. Ang mga Kastila ay kakaunti at walang lider. Bakante ang posisyon ng Gobernador-Heneral, at ang Arsobispo ng Maynila, na kahit walang kaalaman sa digmaan, ang namuno sa hukbo. 


Sa kabilang dako, ang mga Briton ay handa at nagdala ng maraming sundalo galing India. Sa loob ng iilang araw, ang Maynila ay nasakop at ang mga Briton ay nanatili ng dalawang taon. Matapos ang maraming negosasyon sa Europa sa pagitan ng mga Espanya at Britanya, umalis ang mga Briton noong 1764.


Ang pananakop ng mga Briton sa Maynila ay mahalagang parte ng ating kasaysayan dahil pinakita nito na ang mga Kastila ay hindi kasing lakas katulad ng dati. Dito nagsimula ang unti-unting pagwakas ng panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.


Mungkahing Basahin: