Ang mga madre ng Intramuros

Ang mga madre ng Intramuros


Ang Intramuros ay kilala bilang lungsod ng mga simbahan at kumbento. Bukod sa mga prayle, marami rin itong mga komunidad ng mga madre. Ang “madre” ay isang relihiyosang babae na nakatira sa loob ng isang gusali na tinatawag na “kumbento.” Sila ay namumuhay sa ilalim ng pangako o “panata” ng kahirapan, kalinisang-puri, at pagtalima.


Kapag ang isang babae ay nag madre, inaasahan na iiwan nya ang kanyang magulang at pamilya. Mananatili sya sa kumbento kasama ang ibang madre panghabang buhay. Ang buhay sa loob ng kumbento ay mahirap. May istriktong skedyul para sa pag dasal at para sa mga gawaing bahay katulad ng paglinis, pagluto, at paghahardin. Ginagawa nila ito dahil sa kanilang debosyon sa kanilang paniniwala.


Mungkahing Basahin: