Andres Novales (Emperador Novales)
Andres Novales (Emperador Novales)
Napukaw ng mga kaganapan sa Latin America, si Andres Novales, isang kapitan ng hukbo, ay nagdeklara ng kanyang sarili bilang Emperador ng Pilipinas noong Hunyo 1, 1823. Pinabagsak niya ang gobyerno, at sinalakay ang Palacio del Gobernador, ang Cabildo, at ang Katedral ng Maynila. Gayunpaman, sa loob ng isang araw, siya rin ay nahuli at kinabukasan ay binitay.
Ang rebolusyon ni Andres Novales ay tumagal lamang ng isang araw. Pero sa kabila nito sya ay naging mahalagang personalidad sa ating kasaysayan dahil sa kanyang pakikipaglaban para sa pagkakapantay-pantay at kalayaan laban sa mga kawalan ng katarungan. Ang kanyang laban ay nagbigay inspirasyon sa mga sumunod na mga pag-aalsa na kalaunan ay humantong sa kalayaan ng Pilipinas noong 1898.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Andres Novales (Emperador Novales) "