Patricio Mariano (1877-1935)


Mandudula, mamamahayag, makata, at nobelista na ipinanganak sa sa Sta. Cruz, Maynila, noong ika-17 ng Marso, 1877.


Anak ng mag-asawang Petronilo Mariano at Dionisia Geronimo. Naging kanang kamay ni Ambrosio Rianzares Bautista, unang tagapayo ni Heneral Emilio Aguinaldo.


Naging kagawad ng pasulatan ng mga pahayagang Heraldo De La Revolucion, Kaibigan ng Bayan, El Renacimiento, El Renacimiento Filipino, at naging patnugot ng mga pahayagang Ang Paggawa at Ang Lunas ng Bayan.


Namatay sa Maynila noong ika-25 ng Enero, 1935.