Titik
On Pamumuhay
Mahilig akong tumingin sa mga iba’t ibang estilo ng pag-guhit ng mga titik kaya naman ay ginawa ko ang @type63_. Ang Type63 ay isang Instagram account na nagbabahagi ng iba’t ibang klaseng mga tipo na gawa ng mga Pilipino.
Ilan sa mga tagalikha ng mga tipong nasa Type63 ay gumagamit ng mga salitang Pilipino bilang pamagat ng kanilang mga gawa. Narito ang ilang halimbawa ng mga salitang nagsilbing inspirasyon:
- Abangan – paghihintay sa pagdating ng isang tao o bagay sa isang lugar
- Kawingan – ang Tagalog na salita para sa “hyperlink,” ito ang mga teksto sa internet na pinipindot para makapunta sa ibang website
- Tahan – pag-kalma, pag tigil sa pag iyak
- Ikapito – 7, numero
- Tindig – tayo, tikas, asta
- Bisdak – galing sa “Bisaya nga dako,” totoong Bisaya, tunay na Bisaya
- Bawal – hindi pagbibigay ng pahintulot, o pagpigil na gawin ang anuman
- Liham – isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa pang tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar
- Terno – dalawa o mahigit pang bahagi na may mag-katugmang estilo, kulay, o anyo; isang klase ng tradisyonal na kasuotan
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Titik "