Kahapon ang anibersaryo ng kaarawan ni Jose Garcia Villa, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan.


Isa siyang makata, mangangatha, kritiko, at kabĂ­lang sa unang henerasyon ng mga Filipinong manunulat sa wikang Ingles. Kinilala siya bilang Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 1973.


Kilala sa sagisag panulat na Doveglion, nagpakilala si Villa ng mga bagong pamamaraan sa pagtula. Napatanyag ang tinaguriang tulang kuwit o mga tulang ginagamitan ng bantas ng kuwit sa pagitan ng bawat salita. Nakilala rin ang kaniyang mga tulang may reversed consonance rime scheme. Ang mga pagbabagong ito ay makikita sa mga aklat ng tula niyang Have Come, Am Here (New York, 1942) at Volume Two (New York, 1949).


Mulaan: Sagisag Kultura (https://philippineculturaleducation.com.ph/)


Mungkahing Basahin: