Balabac Historical Marker

Balabac: Ruta ng Ekspedisyong Magallanes-Elcano sa Pilipinas


Mula sa daungan ng Dyguasam Tegozzao sa Mapa ni Antonio Pigafetta at Saocao sa tala ni Francisco Albo, tinatayang Sitio Tagusao, Barong-Barong, Brooke’s Point, Palawan, binaybay ng ekspedisyon ang katimugang Palawan at narating ang katubigan ng Balabac (bahagi ngayon ng Palawan). Nagsilbing gabay ng ekspedisyon ang pulong ito patungong Brunei, 21 Hunyo 1521.


Ang panandang pangkasaysayang ito (imahe sa itaas) ay pinasinayaan bilang ambag sa paggunita ng ika-500 anibersaryo ng unang pag-ikot sa daigdig.


Mungkahing Basahin: