mactan historical marker

Mactan Historical Marker


Mactan: Ruta ng ekspedisyong Magallanes-Elcano sa Pilipinas.


Matapos ang binyagang kristiyano sa Cebu, 14 April 1921, ipinasunog ni Fernando Magallanes, pinuno ng ekspedisyon, ang Bulaia (Buaya, Lungsod ng Lapu-Lapu) dahil sa di pagkilala sa kaniya at sa kapangyarihan ni Raha Humabon. Ipinadala ni Zula,isa sa mga pinuno ng Mactan, ang anak nito sa Cebu na siyang nag-ulat kay Magallanes na ayaw kilalanin ni Lapu-Lapu, pinuno ng Mactan, ang Hari ng Espanya at ang pagkakatalaga kay Humabon bilang pinakamataas na pinuno ng Cebu at Mactan. Dito naganap ang labanan kung saan napatay ng mga mandirigma ng Mactan si Magallanes, 27 Abril 1521.


Ang panandang pangkasaysayang ito (larawan sa itaas) ay pinasinayaan bilang ambag sa paggunita sa ika-500 anibersaryo ng unang pag-ikot sa daigdig.


Pinagmulan: @nqcPhilippines (National Quincentennial Commission of the Philippines)


Mungkahing Basahin: