Humabon
Raha ng Sugbo, ngayo’y Cebu. Ipinakilala ni Raha Kolambu ng Limasawa kay Fernando Magallanes, pinuno ng ekspedisyong Magallanes-Elcano, 7 Abril 1521. Pinahintulutan si Magallanes na magtayo ng panandang krus sa Cebu, 10 Abril 1521, at magsagawa ng binyagang kristiyano rito, 14 Abril 1521.
Bininyagan siya sa pangalang Carlos, hango sa pangalan ng Hari ng Espanya. Ang asawa na bininyagang Juana at mga anak. Sumuporta sa paglusob ni Magallanes sa Mactan, 26 Abril 1521. Bigong mabawi ang mga labi ni Magallanes at ng iba pang tauhan matapos ang labanan sa Mactan, 27 Abril 1521.
Binantaan ng mga taga-Mactan na lulusubin ang Cebu kung hindi pupuksain ang mga nalalabing kasapi ng ekpedisyon sa Cebu, 29 Abril 1521. Namguna sa pagpaslang sa mga opisyal ng ekspedisyon, 1 Mayo 1521.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Humabon "