Mapun Historical Marker


Cagayan (Mapun)


Ruta ng Ekpedisyong Magallanes-Elcano sa Pilipinas


Pansamantalang nagpahinga ang ekspedisyon sa Cagayan (ngayo’y Mapun, Tawi-Tawi.


Habang tinatawid nila ang dagat Sulu upang hanapin ang Maluku, Noo’y kilalang pinagmumulan ng mga pampalasa (bahagi ngayon ng Indonesya), Mayo 1521.


Inilarawan ang mga taga-rito bilang mga Muslim at bilang matatapang na mandirigma. Pinayuhan silang tumungo sa Palawan upang duon makipagkalakalan ng mga pangangailangan.


Ang panandang pangkasaysayang ito (larawan sa itaas) ay pinasinayaan bilang ambag sa paggunita sa ika-500 anibersaryo ng unang pag-ikot sa daigdig.


Mungkahing Basahin: