On
Ang Matatanda ni Jose F. Lacaba

Mga bata’y isa-isang nagsialis

Hanggang matatanda ang tanging natira;

Ang panahon nga naman, napakabilis.


Gayong wala nang tutulungang magbihis;

Gumigising pa nang maagang-maaga.

Mga bata’y isa-isang nagsialis.


Ang bakuran, araw-araw, winawalis;

Sinisigan ang dahon, bulok na sanga.

Ang panahon nga naman, napakabilis.


Di na kailangang sa malayong batis

Dalhin ang nayon ay kaunting labada;

Mga bata’y isa-isang nagsialis.


Sa tikim na bibig ang laway ay panis,

Tulala ang dila, kapos ang hininga.

Ang panahon nga naman, napakabilis.


Mga alaalang kulang sa tamis

Ay titikmang lahat ng uod na dala.

Mga bata’y isa-isang nagsialis –

Ang panahon nga naman, napakabilis.


Mungkahing Basahin: