Usog
Tinatawag ding batì o balis sa Bikol, ang salitang usog ay sinasabing mula sa pinaikling salitang “busog” o “lusog.” Maaaring angkop ito dahil ang pagsakit ng tiyan ng isang bata matapos mausog ay dulot ng kabag na sanhi naman ng kabusugan.
May ganito na tayong kondisyon bago pa dumating mga Espanyol. Sinasabing sinumang dayo o bisita ay nagdudulot ng kalagayang pagsakit ng tiyan sa isang bata dahil umiiyak ito kapag nakakakita ng isang hindi pamilyar na mukha sa harapan niya. Ang pag-iyak na iyon ay nagdudulot ng pagkakaroon ng hangin sa tiyan kaya nag-iihit sa pag-iyak ang mga bata. Ang tanging gamot dito, ayon sa matatanda, ay ang paglalagay ng laway sa noo, sa pagitan ng daliri, at sa talampakan ng batang nausog.
Samantala, tinawag naman itong mal de oro nang dumating ang mga Espanyol. Ibig sabihin, sumasakit ang tiyan ng isang tao o bata dahil sa masamang tingin ng sinumang dayo o bisita. Muli, tanging ang paglalagay lang ng laway ng isang manggagamot ang makalulunas sa sakit ng tiyan na dulot ng usog, bati, o balis.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Usog "