Capas Concentration Camp
On Militar
Capas Concentration CampItinatag noong 1940 bilang Camp O’Donnel. Nagsilbing bilangguan ng mahigit na 40,000 kawal Pilipino at 9,000 kawal Amerikano na bihag ng digma na dumanas ng Death March.
Humigit kumulang sa 30,000 ang namatay sa kampong ito sanhi ng sakit at ibayong pahirap mula Abril hanggang Hunyo 1942. Inilibing sa iisang hukay ang mga nasawing bayani.
Nakilala sa pangalang Capas Concentration Camp. Naging bahagi ng Clark Air Base military reservation makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ibinalik sa Republika ng Pilipinas 9 Abril 1982. Ipinahayag sa isang Pambansang Dambana 9 Oktubre 1991.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Capas Concentration Camp "