Ang Thrilla in Manila


Sa araw na ito Oktubre 1, noong 1975, naganap sa ating bansa ang tinaguriang “Boxing of the Century”, nang magharap sa boxing ring ang dalawang batikang boksingero noong panahong iyon na si Muhammad Ali at si Joe Frazier, kapwa mga Amerikanong boksingero, para masungkit ang Heavyweight Boxing Champion of the World.


Mismong si dating Pangulong Ferdinand Marcos ang nagboluntaryong dito sa ating bansa idaos ang prestihiyosong bakbakan, upang mailihis ang atensyon ng maraming tao sa mga hindi magagandang nagyayari sa ating bansa noong panahon ng Batas Militar. Pumayag ang organizer ng nasabing boxing match na si Don King na idaos ang paghaharap nina Ali at Frazier sa Araneta Coliseum sa Cubao, lungsod ng Quezon.


At nangyari na ang inaabangan na “Thrilla in Manila”, na tinutukan ng media mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa nasabing paghaharap, nanalo via technical knockout si Ali laban kay Frazier matapos ang 14th round. Nagpasya na ang coach ni Joe Frazier na si Eddie Futch na tumigil na siya dahil sa labis na pinsala sa katawan na natamo nito at baka hindi na nakalaban pa sa ika-15 na round. Napag-alaman din na may iniindang katarata si Frazier sa kanyang kaliwang mata, na makakaapekto pa sa kanyang performance. Iyon na ang kanilang ikatlo at huling labanan.


May taas si Muhammad Ali na 6″3′, at tumitimbang na 96 kg, di hamak na mas matangkad at mas mabigat kumpara kay Frazier, na may taas lang na 5″11′ at 95 kg. Pareho rin silang mga “undefeated”, kung saan 31 mga laban na ang naipanalo ni Ali, habang 26 naman ang kay Frazier.


Unang nagharap ang dalawa noong ika-8 ng Marso, 1971 sa Madison Square sa lungsod ng New York, kung saan nanalo si Frazier via unanimous decision. Nagtagpo uli ang dalawa sa boxing ring noong ika-28 ng Enero, 1974 na naipanalo na ni Ali via unanimous decision.


Pumanaw si Muhammad Ali noong ika-4 ng Hunyo, 2016 sa edad na 74 dahil sa komplikasyong dulot ng Parkinson’s Disease.


Sanggunian:
• The Kahimyang Project (n.d.). Today in Philippine history, October 1, 1975, the Thrilla in Manila took place at the Araneta Coliseum in Cubao, Quezon City. https://kahimyang.com/kauswagan/articles/651/today-in-philippine-history-october-1-1975-the-thrilla-


Mungkahing Basahin: