Mga simpleng paraan para mabawasan ang basura


Panahon na naman ng tag-ulan. Alam niyo ba na isa sa dahilan ng pagbaha ay ang hindi tamang pagtatapon ng basura?


Alamin kung paano tayo makakatulong upang mabawasan ang polusyon sa tubig at maiwasan ang pagbaha.

  1. Bawasan ang paggamit ng mga plastic. Kung maari ay magdala ng sariling bag o lalagyan sa pamamalengke.
  2. Gamitin ang inyong pagkamalikhain at bigyan ng bagong paggagamitan ang mga patapon na gamit o basura.
  3. Ihiwalay ang mga nabubulok na basura at gumawa ng sariling compost na maaaring magamit pataba sa lupa.
  4. Maging mabuting halimbawa. Ang pag-aalaga sa kalikasan ay nagsisimula sa ating mga sarili.


Mungkahing Basahin: