Inilunsad ng Nestlé Philippines ang May Balik Sa Plastik na Programa sa Valenzuela City.Ang programang ito ay naglalayong mabawasan ang bilang ng mga plastik na basura at mga
ginamit na karton ng inumin sa Valenzuela City na itinatapon sa basurahan at istasyon ng
mga basurahan bago ilipat sa malakihang landfill.


Ang “May Balik sa Plastik” ang pinakaunang programa ng Nestle na layong ipatupad sa isang
siyudad at pinakauna sa buong Pilipinas.


Magtulungan tayo para sa kalusugan ng ating siyudad, bansa, at ng ating planeta. Ang tamang
pagtapon ng plastik na basura ay para maiangat ang kalidad ng ating sariling buhay at buhay ng ating mga anak, kailangan na nating tapusin ang bangungot na dulot ng plastik.


Alam ba niyo na sa mga basurang itinatapon sa ating karagatan bawat taon ay humigit-kumulang sa 14 bilyon pounds. Plastic ang pangunahin sa mga basurang ito. Ang polusyon na dulot ng basura ay pumapatay ng higit sa 1 milyong mga ibon sa dagat at 100 milyong hayop sa lupa bawat taon.