Ano ang kahulugan ng credit rating?


Ano nga ba ang credit rating at bakit ito importante?


Mahalagang mapanatiling matatag ang credit rating ng bansa lalo ngayong kailangan nating humiram ng pondo para labanan ang COVID-19.


Sukatan ang credit rating ng kakayahan ng isang bansa na bayaran ang mga pagkakautang nito.

 

Bakit mahalagang manatiling mataas ang credit rating ng bansa?


Kapag mataas ang credit rating ng isang bansa, kaya nitong humiram ng pondo sa mababang interes, dahil mababa ang panganib na hindi ito makapagbayad.


Kabilang sa binibigyan tuon ng credit rating agencies ang:

  • katatagan ng ekonomiya
  • track record ng isang bansa pagdating sa pagbabayd ng utang
  • mga reporma upang mapalakas ang ekonomiya
  • kakayahan ng pamunuan ng bansa


Sa madaling salita, kapag mataas ang credit rating ng isang bansa, malakas ang kumpiyansa ng mundo sa ekonomiya nito.


Mataas na credit rating = Matatag na kakayahang magbayad = Mababang interes sa paghiram ng pondo.


Pinagmulan: Department of Finance via @DOF_PH


Mungkahing Basahin: