Mga karapatan ng may utang

Mga karapatan ng may utang


Karapatang malaman ang mga impormasyon tungkol sa pautang


Ikaw ba ay may utang o mangungutang sa bangko o ibang BSP supervised institution? Alamin ang iyong mga karapatan bilang nangungutang o borrower.


Alinsunod sa patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), dapat ipaalam ng nagpapautang (lender) sa nangungutang (borrower) ang mga sumusunod: 

  • Halaga ng utang,
  • Charges at deductions,
  • Due dates at payment schedule,
  • Halaga ng effective annual interest rates (aktwal na porsyento ng interes na binabayaran ng may utang),
  • Iba pang bayarin.


Karapatan laban sa agresibong paniningil


Sa ilalim ng BSP Regulations on Financial Consumer Protection, narito ang mga ipinagbabawal na paraan ng paniningil:

  • Pagsisiwalat ng pangalan ng mga nangutang;
  • Pagsisiwalat o pagbabanta ng pagsiwalat ng maling impormasyon tungkol sa nangutang;
  • Mapalinlang na paraan ng pangongolekta ng pera;
  • Pagtawag mula 10:00 pm hanggang 6:00 am nang walang paunang pahintulot mula sa nangutang.


Paalala:

Bilang borrower, karapatan mong malaman ang mga impormasyon tungkol sa pautang. May karapatan ka rin laban sa agresibong paniningil.


Pinagmulan: @bangkosentral


Mungkahing Basahin: