Ang Hari ng Mountain Trail
“Hari ng Mountain Trail: Dangwa Transportation Company Inc., 1928-1941”
Ang Dangwa Tranco
Ang Dangwa Transportation Company ay itinatag ni Bado Dangwa. Ang korporasyon ay mas kilala bilang Dangwa Tranco. Ito ay isang institusyon hindi lamang sa Benguet, lumang Mountain Province o Rehiyong Cordillera kundi bilang isang tagapanguna sa larangan ng pampublikong transportasyon sa ating bansa.
Marahil ay pamilyar kayo sa lugar na Dangwa Tranco sa Maynila. Ito ay ang istasyon ng nasabing bus sa distrito ng Sampaloc na matagal ng tumatayong palatandaan sa pook kung saan umusbong ang pamilihan ng mga pitas na bulaklak. Naging bagsakan ang nasabing pook ng mga pitas na bulaklak yung labas ng terminal. Hindi ito ang unang terminal ng Dangwa Tranco, sa Kalye O’Donnel at Felix Cuertas at kalye Oroquieta na pawang malapit sa Manila Central Market sa distrito ng Sta. Cruz mula ng 1945 hanggang 1967 at sa Grace Park sa Caloocan mula 1965 hanggang 1967 dating matatagpuan ang mga istasyon ng kumpanya.
Noong magbukas (1967) ang istasyon ng Dangwa sa panulukan ng kalye Dos Castillas at daang Dimasalang sa distrito ng Sampalok, mula noon, unti-unting nakilala ang lugar na ito bilang Dangwa Tranco Station sa Sampaloc. Dito nagsimula ang mga tindahan ng pitas na bulaklak sa huling bahagi ng dekada 70. Dito rin kumukuha ng mga bulaklak si dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Ang mga Tagapagtatag ng Korporasyon
Ang Dangwa Transportation Company ay pinatatakbo ni Bado Dangwa Dekada 1940-1950. Ang Dangwa ay itinatag sa Lungsod ng Baguio noong Hulyo 8, 1935. Naerehistro sa SEC noong Hulyo 20, 1935 at muling enirehistro noong 1985.
Ang inisyal nitong kapital ay Php 100,000 at ginawang Php 200,000 noong 1941. Ang kumpanya ay korporasyong pribado at may saping puhunan na pagmamay-ari ng mg Pilipino. Ang kumpanya ay nagnenegosyo sa pagbibigay ng serbisyo sa larangan ng pampublikong transportasyon.
Nag-umpisa ang Dangwa sa mga pampasadang awto noong 1928. Kalaunan, mga pampasadang bus at nirerentang awto, taxicab at truck na pangkargamento.
Ang kumpanya ay isa sa tatlong pangunahing kompanyang transportasyon sa Baguio at lumang Mountain Province mula 1931 hanggang 1941. (Yung dalawa ang ang Benguet Automobile line at Mountain Province Transportation Company). Naging pangunahing kompanyang transportasyon sa probinsya at isa sa pangunahing negosyong transportasyon sa hilagang Luzon noong 1945 hanggang 1951. Ang sakop ng operasyon ng kompanya ay sa Baguio at sa pagitan ng Lungsod at lumang Mountain Province.
Mga Linya ng Kompanya:
1928: 1 PU, Baguio-La Trinidad, kalaunan pinahaba upang maging Baguio-Kapangan.
1937-1938: 8 TPU, Baguio-Balakbak-Kapangan, Baguio-Bokod, Baguio-Camp 30, Baguio-Mankayan, Baguio-Mt. Data, Baguio-Bontoc, Bontoc-Lubuagan, at Bontoc-Kiangan via Banaue.
1941: 47 TPU, (13 linya mula Baguio pahilaga via Mountain Trail; 8-paikot sa Baguio; 16, patungo sa mga minahan malapit sa siyudad, 10-nagbubuhat sa Bontoc).
Bilang ng mga kawani at kasapi sa kompanya:
1928: 5 katao
1935: tinatayang 1000 katao
1939: tinatayang 200 katao
1941: tinatayang 300 katao
Mga tagapagtatag at unang mamumuhunan ng korporasyon:
1 sapi=Php 50.00
Bado Dangwa: Halaga ng sapi: 218 / Halaga ng puhunan: Php 10,900.00
Carlos de G. Alvear: 200/Php 10,000.
Morales Balangcod: 66/Php 3,300.
Gregorio Balangcod: 64/Php 3.200.
Ingles Montes: 58/Php 2,900.
Edmon Demot: 54/Php 2,700.
Henry Tandoyog: 49/Php 2,450.
Claver Sagandoy: 36/Php 1,800.
Saguidec Guillermo: 33/Php 1,650.
David Fianza: 29/Php 1,450.
Maurice Salmin: 28/Php 1,400.
Emilio Velasco: 28/Php 1,400.
Wallace Abobo: 27/Php 1,350.
Santiago Totanes: 26/Php 1,300.
Alipio Alagot: 17/Php 850.
Pulquero Gomez: 16/Php 800.
Ernest Juantala: 13/Php 650.
Timothy Pascial: 13/Php 650.
Alonso Binayan: 12/Php 600.
Kabuuan: 987/Php 49,350.00
Ipinanganak sa panahong 1890-1920, kabilang sila sa unang henerasyon ng mga mamamayang tubo sa lumang Mountain Province na nakapag-aral.
Sinamantala nila ang mga pagkakataon sa libreng edukasyon na ipinagkaloob ng pamahalaan at misyonerong Anglican-Episcopalian, sa kabila ng pagtutol ng kanilang mga magulang.
Baguio Boarding School, Teacher’s Camp Elementary School, at Easter School sa Baguio, Sa Kapangan Central School at Balakbak Settlement Farm School sa Kapangan, Benguet at sa Trinidad Agricultural School sa La Trinidad, Benguet.
Magkakaibigan at magkakaklase sa Balakbak Settlement Farm School noong 1924 sina:
Bado Dangwa (1905-1976)
Frederick Sayeg
Alipio Alagot (1906-1983)
Saguidec Guillermo (1908-1993)
Payatic Agta (mula sa Memoirs of a Living Past, 1991)
Sina Bado Dangwa at Santiago Totanes ay magkaibigan at magkaklase sa Trinidad Agricultural School taong 1927.
Board of Directors at Unang Pinuno ng Dangwa Tranco Corporation, 1935-1936:
President: Abugado Carlos de G. Alvear
Vice President: Santiago Totanes
Secretary: David Fianza
Treasurer-Manager: Bado Dangwa
Director: Henry Tandoyog
Director: Alfonso Binayan
Director: Edmond Demot
Mga Kasapi ng Board ng Dangwa Tranco at mag-anak ng Dangwa, 2021.
Nelson C. Dangwa: President at General Manager
Edwin C. Dangwa: Vice President
Fermin D. Asiong: Secretary
Jane A. Ebes: Treasurer
Priscilla D. Alatiw
Agosto A. Dangwa
Jon Bretnel P. Dangwa
Pinagmulan: Mula sa Online Lecture ni Prof. Jeffrey James Ligero na pinamagatang “Ang Hari ng Mountain Trail” via https://www.facebook.com/PresidentialCarMuseum/
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Ang Hari ng Mountain Trail "