Gabay Daan

Pedestrian Safety for Parents/Caregivers

1. Turuan ang mga bata na tumingin sa kaliwa, kanan at kaliwa muli bago tumawid.

2. Ipaalala sa mga bata na huwag gumamit ng cellphone, headphone o anumang gadyet habang tumatawid sa kalsada.

3. Turuan ang mga bata na gumamit ng sidewalks o bangketa para maiwasang mahagip ng mga sasakyan.

4. Hangga’t maari, ang mga bata ay dapat na may kasamang nakatatanda tuwing tatawid sa kalsada.

5. Manatili ang mga magulang at tagapag-alaga sa mapanganib na bahagi ng daan habang tumatawid.

6. Turuan ang mga bata na iwasan ang paglalaro habang tumatawid.

7. Siguraduhin na ang mga bata ay madaling makita sa kalsada.

8. Gamitin ang mga kamay sa pagsenyas ng hinto para sa mga paparating at mabibilis na sasakyan.


Speed Management, Drinking, Safe Driving for Parents/Caregivers

1. Siguraduhin na ang takbo ng iyong sasakyan ay naaayon sa batas trapiko.

2. Ihinto o bagalan ang takbo ng sasakyan kapag papalapit sa mga tawiran.

3. Maging maingat palagi sa pagmamaneho, lalo na kapag nasa school zones.

4. Huwag uminom ng alak kung ikaw ay magmamaneho.

5. Sa mga nagbibisikleta at nagmomotorsiklo, tiyakin ang pag-gamit ng naaayon na helmet.

6. Ugaliin ang tamang pagsusuot  ng seatbelt sa tuwing ikaw ay sasakay o magmamaneho ng sasakyan.

7. Sumunod sa mga batas trapiko at mga traffic enforcers.

8. Huwag gumamit ng cellphone, headphone o anumang gadyet habang nagmamaneho.


Helmet, Seatbelt use for kids

1. Magsuot ng naaayon na helmet kapag gagamit ng bisikleta.

2. Sumunod sa batas-trapiko at traffic enforcers tuwing gagamit ng bisikleta sa daan.

3. Hangga’t maaari, magsuot ng makukulay  na damit kung ikaw ay nagbibisikleta.

4. Ang mga batang may edad 12 at may tangkad na 150 sentimetro pabababa ay hindi maaaring sumakay sa harap ng sasakyan.

5. Tiyaking maaayos ang pagkabit ng child car seat kapag nasa loob ng sasakyan.

Pinagmulan: Safe Kids Philippines | @ Safekidsphils

Mungkahing Basahin: