On
Paraan ng pag-iwas sa modus ng Riding-in-Tandem

  1. Iwasang maglabas ng mahahalagang kagamitan gaya ng wallet o cellphone.
  2. Iwasang maglagay ng wallet sa likuran ng bulsa ng pantalon, kung saan madali itong hablutin.
  3. Iwasan ang pagsusuot ng mamahaling alahas sa tuwing lalabas lalo na kung hindi naman kailangan.
  4. Ingatan at panatilihing nakadikit sa katawan ang dalang bag.
  5. Sa paglalakad sa kalsada, iwasang maging malapit sa daanan ng mga sasakyan.
  6. Iwasang maglakad ng nag-iisa at kung hindi maiwasan ay ugaliing sumabay sa maraming tao sa paglalakad.
  7. Kung maiiwasan, huwag nang maglakad sa lansangan kapag dis-oras ng gabi.
  8. Kung sakaling tuluyang mabiktima ng riding-in-tandem, huwag ng manlaban.


Tandaan na lamang ang plaka ng motorsiklo na gamit ng mga kawatan at i-report kaagad ito sa pinakamalapit ng himpilan ng pulisya.

 

Mungkahing Basahin: