Mansyong Pamintuan
Mansyong Pamintuan
Ipinatayo ni Mariano Pamintuan noong mga taong 1890. Naging punong himpilan ng tanggulan ng Republika ng Pilipinas laban sa puwersang Amerikano, Mayo 1899.
Nagsilbing pansamantalang tanggapan ni Pangulong Emilio Aguinaldo habang inihahanda ang Tarlac bilang kabisera ng Republika, Hunyo 1899. Sa tapat nito idinaos ang paradang militar noong bisperas ng unang anibersaryo ng proklamasyon ng kalayaan ng Pilipinas, 1899.
Naging himpilan ni Heneral Arthur MacArthur, Agosto, 1899. Tahanan ng mga pilotong kamikaze ng hukbong panghipapawid ng Hapon, 1944-1945. Pinaupahan bilang Angeles Hotel, 1948. Binili ni Pedro Tablante mula sa pamilyang Pamintuan, 1959. Naging ekstensiyon ng bahay-pamahalaan ng Angeles, 1964.
Binili ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang lote habang ipinagkaloob ng pamilyang Tablante ang bahay upang ayusin ng pamahalaan, 1981. Isinalin sa Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas, 17Hunyo 2010. Pinasinayaan ang Museo ng Kasaysayang Panlipunan ng Pilipinas, 24 Agosto 2015.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Mansyong Pamintuan "