Mansion House Baguio City

Mansion House Baguio City | @philippine_museums


Ipinatayo ni William Cameron Forbes ayon sa disenyo ni William E. Parsons, 1908, bilang bahagi ng Burnham Plan ng Baguio at ng City Beautiful Movement.


Dito ginanap ang special session ng pangalawang lehislatura ng Pilipinas, 1910.


Nasira noong panahon ng liberasyon, 1945. Ipinaayos, 1947. Dito ginanap ang pangalawang pagpupulong ng U.N. Economic Commission of Asia and the Far East (ECAFE), 1947; U.N. food and Agriculture Organization (FAO), 1948; at unang pagpupulong ng South East Asian Union (SEAU) na kilala bilang Baguio Conference of 1950.


Bahay bakasyunan ng mga Amerikanong Gobernador-Heneral, 1908-1935 at ng mga Pangulo ng Pilipinas mula kay Manuel L. Quezon hanggang sa kasalukuyan.


Mungkahing Basahin: