On
mga tao na itinuturing na employed

Sino-sino ang mga tao na itinuturing na employed o may trabaho?


Ang itinuturing na “employed” ay mga indibidwal edad 15 pataas na nagtatrabaho o nagnenegosyo nang hindi bababa sa isang oras sa loob ng isang linggo.


Kasama rin ang mga indibidwal edad 15 pataas na may trabaho ngunit pansamantalang hindi nakapagtatrabaho o nakapagbubukas ng negosyo dahil sa alinman sa mga sumusunod:

  • Pansamantalang karamdaman o pagkakasakit o pagkapinsala;
  • Nasa bakasyon o naka-leave;
  • Masamang panahon o kalamidad;
  • Nasa welga;
  • Pagsuspinde ng trabaho dahil sa kawalan ng kliyente, kapital, o materyales;
  • Lockdown/quarantine ng komunidad, atbp.; at
  • Hindi tiyak ang pagkawala sa trabaho ngunit may kasiguruhan na makakabalik sa parehong trabaho o negosyo sa sandaling ang mga paghihigpit sa lugar ay niluwagan;


Pinagmulan: @PSAgovph (Philippine Statistics Authority)


Mungkahing Basahin: