On
Pamulinawen


Ang Pamulinawen ay isang awiting-bayan ng mga Ilokano. Ang awit ay ukol kay Pamulinawen, isang magandang babaeng may matigas na puso na parang bato. Kahit gaano kasugid ang lalaki sa panunuyo sa kaniya ay di niya ito pinapansin.


Nasa batayang sukat na 2/4, ang musika ay nasa mayor na tonalidad. Mabilis ang kompas nito at nasa estilong polka. Narito ang isang bahagi ng titik ng awit, gayundin ang literal na salin nito:

Lalaki:

Pamulinawen, pusok

indenganman

Pamulinawen, may pusong bato,

makinig:

Toy umas-asog a agrayo ita

sadiam

Ang abang lalaking ito na

sumasamo sa iyo,

Panunotem man, dika

paguintutulngan

Tandaan at huwag kalimutan,

Toy agayat, agrayo ita sadiam.

Ang nagmamahal na laging

sa iyo’y nangangarap.

Babae:

Uray no mano karutap ti

pagbatayam

Kahit umakyat ka pa sa hagdan

A gumaw-at kaniak

Upang ako’y maabot,

Dikanto kanaen a magaw-atnak

Huwag isiping akoy magiging iyo

Ta azucena ak a napnuan dayak.

Dahil ako’y isang magandang

bulaklak.


Inareglo ang awit ng dalawang Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika. Ang likha ni Maestro Lucio D. San Pedro ay para sa apatang boses na unang inilimbag noong 1969 sa kalipunang Mga Tinipong Panabayang-Awiting Pilipino nina C. Maceda at C. Bautista. Muli itong lumabas sa The Choral Works of Lucio D. San Pedro na inilimbag ng UP Concert Chorus noong 1975. Ang areglo naman ni Maestra Lucrecia Kasilag ay para sa tatluhang boses sa mataas na tono ng babae o koro ng mga bata.


Pinagmulan: NCCA Official via Flickr via Mabuhay singers


Mungkahing Basahin: