Pusong
Makikita ang pusong sa iba’t ibang kuwentong-bayan sa kabuuan ng Pilipinas: si Juan sa Katagalugan, Juan/Suan sa Pampanga, Juan Osong sa Bikol, Juan Púsong sa Kabisayaan at Sulu, at Pilandok sa Lanao. Sa ilang pilìng kuwento, tinatawag din itong Padol, Masoy, at Andres bagama’t higit itong kilalá sa pangalang Púsong o Juan Tamad. Dagdag pa rito, makikita ang katulad ng púsong maging sa iba’t ibang panig ng mundo. Kilalá ito sa pangalang Horangi sa Korea, Naar sa Laos, Dodong sa Indonesia, Bertholde sa Italia, Harlequin sa Europa, at Guajiro sa Colombia.
Karaniwang negatibo ang pagtingin sa pusong bilang
- mababà o mahirap na lalaki,
- mabagal, tamad, at antukin,
- hambog at walang gálang,
- ignorante,
- pintasero at matabil ang dila,
- pilyo, at
- bastos at malaswa.
Gayunman, ang mga katangiang ito ay nagpapahiwatig ng pagbalikwas sa namamayaning sistema sa lipunan. Natural na tendensiya ng tao na gaya ng púsong ang maging tamad dulot ng sistemang pangekonomiya na nanggagamit o nang-aapi sa nakabababà. Ang kayabangang naman nitó ay paraan ng pagkutya sa makapangyarihan o mariwasang tao na nagsasamantala sa mga katulad niya.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Pusong "