kipit historical marker

Kipit Historical Marker


Kipit: Ruta ng ekspedisyong Magallanes-Elcano sa Pilipinas

Mula sa dako ng Panilongon (tinatayang Negros), pansamantalang humimpil ang ekspedisyon sa Kipit (bahagi ngayon ng Labason, Zamboanga del Norte), Mayo 1521. Inilarawan ito na mainam na daungan at mayaman sa ginto. Nakipagsandugo  si Calanao, Raha ng Kipit, kay Juan Carvallo, pinuno ng ekspedisyon. Mula rito, tumuloy ang ekspedisyon sa kanilang paghahanap sa Maluku, noo’y kilalang pinagmumulan ng mga pampalasa (bahagi ngayon ng Indonesya). Dito nabalitaan ng mga Espanyol ang tungkol sa aktibong pakikipagkalakalan ng Luzon sa Ryukyu (bahagi ngayon ng Okinawa, Hapon).

Ang panandang pang-kasaysayang ito (larawan sa itaas) ay pinasinayaan bilang ambag sa paggunita sa ika-500 anibersaryo ng unang pag-ikot sa daigdig.


Mungkahing Basahin: