Tatlong Medal for Valor Awardees na naging AFP Chief
Tatlong Medal for Valor Awardees na naging AFP Chief
Updated: Apat na ngayon nang i-appoint ni BBM si General Bartolome Vicente Bacarro ngayong taong 2022.
Ang tatlong Medal for Valor awardees na naging AFP Chief ay ang mga sumusunod:
1. General Paulino Santos – Siya ay nagtapos sa Philippine Constabulary Academy class of 1914. Natanggap niya ang karangalan dahil sa kanyang ipinakitang tapang sa Bayang Kota campaign noong taong 1917. Iginawad sa kanya ang medalya ng katapangan taong 1935.
2. General Mariano Castaneda – Siya ay nagtapos sa Philippine Constabulary Academy class of 1915. Natanggap niya ang karangalan dahil sa kanyang ipinakitang tapang ng sipain niya ang isang granada at “eki-nover” niya ang kanyang sariling katawan kay Pangulong Manuel Roxas sa Plaza Miranda. Si Heneral Mariano Castaneda ay lumaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at isang miyembro ng USAFFE.. Nuong sumuko si General Jonathan Wainright, nagtayo siya ng kanyang sariling gerilya unit sa may Cavite. Ang Camp General Mariano N. Castaneda sa Silang, Cavite kung saan matatagpuan ang Philippine Natiional Police Academy ay ipinangalan sa kanya.
3. Lieutenant General Cirilito Elola Sobejana – Siya ay nagtapos sa Philippine Military Academy class of 1987. Natanggap niya ang karangalan nuong 1995 ng lumaban siya sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Kapayawan, Isabela, Basilan. Natanggap niya ang karangalan nung siya ay isang Kapitan ng Scout Ranger Company.
4. Bartolome Vicente Bacarro
Pinagmulan: youtube.com (Ranger Cabunzky’s Vlog)
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Tatlong Medal for Valor Awardees na naging AFP Chief "