Ang medalya mula sa Red Cross ng Espanya
Ang medalya mula sa Red Cross ng Espanya
Alam niyo bang pinagkalooban ang mga kinatawan ng ating bansa ng medalya dahil sa mabuting pagtrato natin sa mga sundalong Espanyol?
Tinanggap ni Felipe Agoncillo ang medalya mula sa Red Cross ng Espanya dahil sa papel na ginampanan niya upang mapalaya ang mga sugatan at maysakit na sundalong Espanyol, na noo’y mga bilanggo ng mga Pilipino sa gitna ng digmaan.
Maaaring katulad ng medalyang ito ang ipinagkaloob naman kay Juan Luna, ang bantog na pintor na nakasama ni Agoncillo sa tanggapang diplomatiko ng Pilipinas sa Paris, Pransiya.
Ayon sa mga ulat, nag-alay din ng isang handaan ang Red Cross ng Espanya para kay Agoncillo sa Madrid noong Pebrero 1900 at sa Paris noong Oktubre 1900. Nagtagay sila para sa kalayaan ng Pilipinas at sa patuloy na pagkakaibigan ng Pilipinas at Espanya.
No Comment to " Ang medalya mula sa Red Cross ng Espanya "