Paghahawi ng tabing sa Panandang Pangkasaysayan Plaza Miranda


Ang Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas at ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ay ginunita ang ika-50 anibersaryo ng pambobomba sa Plaza Miranda sa pamamagitan ng paglalahad ng isang Panandang Pangkasaysayan na pinamagatang “Plaza Miranda.”


Ang pananda ay inihayag ni NHCP Chairman Dr. Rene R. Escalante, Deputy Executive Director Carminda R. Arevalo, DTCAM Officer-in-Charge Charlie DJ Dungo at Tourism Operations Officer Roland I. Flores.


Ang kaganapan ay bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan.

Plaza Miranda

Ipinangalan kay Jose Sandino Y Miranda, Ingat-Yaman ng Pilipinas (1853-1854).

Naging tanyag dahil dito inilalahad at ipinagtatanggol ang mga proyekto at polisiya ng bansa. Dito rin ginaganap ang mga pagtitipong pampubliko tulad ng Miting de Avance at protesta.

Sa Plaza Miranda nangyari ang pagsabog sa pulong ng Partido Liberal na ikinasawi at ikinasugat ng marami, 21 Agosto 1971.

Nananatiling lugar ng malayang pagpapahayag.


Mungkahing Basahin: