paano manligaw ang isang haring ibon

Alam mo ba kung paano manligaw ang isang Haring Ibon o “Philippine Eagle”?


Upang mapansin ng nililigawan nila, gagawa siya ng pugad at araw araw siyang magdadala ng dahon at maliliit na sanga bilang regalo. Sa ganitong paraan ay ipinapakita ng lalaki ang kakayahan niya na maging isang mabuting ama.


Dapat ay “consistent” sa panliligaw upang matanggap at magustuham siya ng nililigawan niya.


At ang lalaki ay naghahanap ng pagkain para sa kanyang nililigawan at saka lamang siya kakain kapag nabusog na ito.


Alam mo rin ba na ang “Haring Ibon” ay isang beses lang kung umibig. Loyal na, totoong may “forever”


Pinagmulan: fb/Cenro Calaca | DENR CALABARZON Province of Batangas – CENRO CALACA


Mungkahing Basahin: