Ang punay ay isang uri ng ilahas na kalapati sa Pilipinas.

Sa ngayon, apat na species nitó ang tinatawag na púnay, ang


  1. Pulinopus marchei,
  2. Pulinopus merrilli,
  3. Pulinopus occipitalis, at
  4. Pulinopus lenclancheri.


Karaniwan sa lahat ang púnay na Pulinopus occipitalis na kulay lungtian ang mga bagwis at buntot ngunit may puláng batik sa mag kabilâng tagiliran ng ulo at ilalilm ng tiyan at dilaw na babà at leeg. Tinatawag itong yellow-breasted fruit dove sa Ingles at tinatawag ding taubong sa ilang pook..


Ang Pulinopus lenclancheri o black-chinned fruit dove ay may abuhing dibdib na maitim sa bandang tiyan. Ang Pulinopus merrilli o cream-bellied fruit dove ay medyo lungtian ang kalahating pang-itaas ng dibdib at matingkad na krema ang pang-ibabâng bahagi hanggang tiyan. Tinatawag din itong merilay. Pawang nanaig ang kulay lungtian sa mga pakpak at buntot ng tatlo ngunit ang Pulinopus marchei o flame-breasted fruit dove, na pinakamalaki rin sa lahat, ay itim na may bahid na lungtian ang mga bagwis at buntot. Katangi-tangi din ito dahil sa puláng tuktok, at sa putîng dibdib na may malaking patseng kulay kahel.


Matatagpuan ang apat na uri ng púnay sa lahat ng magubat na pook ng bansa. Nanginginain mga ito ng prutas. Ang occipitalis ay karaniwang makikitang lumilipad nang kawan. Ang lenclancheri ay bibihira ngunit marami sa pulô ng Batan.


Pinagmulan: NCCA Official via Flickr