Keri pa ba?: A Mental Health Guide
Keri pa ba?: A Mental Health Guide
Psychological care sa panahon ng Enhanced Community Quarantine dulot ng COVID-19
Bawasan ang stress sa iyong sarili at sa ibang tao.
1. Limitahan ang oras sa social media at panunuod ng news para mabawasan ang nakokonsumong nakakalungkot o nakakagalit na mga pangyayari.
2. Mag-share ng facts tungkol sa COVID-19. Ang tamang impormasyon at pagkakaroon ng tamang kaalaman ay makakabawas stress hindi lamang sa’yo kundi pati sa mga nakakabasa nito. nagbibigay-daan din ito para maging connected sa iba.
3. Kung malusog ka at kaya mo, tumulong sa mga nangangailangan at bulnerablem sektor. Ang pagtulong ay nakaka-enhance ng mood at sense of purpose habang nakakapagbigay ng kaligayahan at kaginhawaan sa mga taong natutulungan.
Alagaan ang iyong sarili at pangangatawan.
1. Breathing exercise. Mag-breathing exercise, mag-stretch o di kaya ay mag-meditate.
2. Eat Healthily. Kumain ng balanse at masustansyang pagkain.
3. Rest well. Siguruhin na may sapat na tulog araw-araw.
4. Home exercise. Huwag sayangin ang energy. Tara at mag-ehersisyo!
5. Avoid vices. Iwasan ang mga bisyo katulad ng alak at paninigarilyo.
6. Freshen up. Maligo at mag-ayos para fresh ang pakiramdam.
7. Maintain Daily Routine. Para may pagka-abalahan at manatili ang sense of purpose at productivity.
Mag-unwind at gawin ang iyong favorite hobbies!
1. Magbasa ng libro! Ngayon na ang chance mo para basahin ang mga nabili mong libro.
2. Mag-bullet journal o diary. Ilabas mo ang saloobin at creativity through your daily logs.
3. Mag-coloring books at iba pang art activities katulad ng painting at sketching.
4. Magluto at matuto ng mga bagong recipes.
5. Matuto ng handcrafts katulad ng knitting, sewing, atbp. Who knows? Baka pwede mo itong maging next business venture.
Tandaan! Hindi ka nag-iisa. Makipagkwentuhan ka sa mga taong malapit sa’yo. I-chat mo ang iyong mga kaibigan at i-share ang iyong nararamdaman at saloobin.
Pinagmulan: @chrgovph Commission on Human Rights
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Keri pa ba?: A Mental Health Guide "