Saan dapat magsimula kung nais mag-apply para sa SHS VP?

Narito ang buong proseso at mga mahahalagang detalye kaugnay ng aplikasyon sa SHS VP Program.
Appplication Period: June 29-July 24, 2020
Proseso:

1. I-access ang Online Voucher Application Portal (OVAP) sa http://ovap.peac.org.ph at gumawa ng OVAP account. Gumamit ng email address na aktibong nagagamit.
2. Maghintay ng kumpirmasyon na ise-send sa iyong email address.
3. Kumpletuhin and electronic Voucher Application Form (VAF-1)
4. I-scan o kuhanan ng litrato at i-upload ang mga requirement na ito sa OVAP:
a. 2×2 colored ID photo
b. Proof of financial means ng mga magulang o guardian
c. Signed parent consent form para sa mga voucher applicant na 18 taong gulang pababa
d. Certificate  of Financial Assistance mula sa JHS, kung mayroon
5. Para sa mga supporting document na ihahabol, i-check ang OVAP isang linggo matapos ito i-submit.
6. Kung successful na ang application, maaari nang i-download and Qualified Voucher Applicant (QVA) Certificate, i-submit ito sa paaralan na pag-e-enroll-an.

Mga dapat tandaan:

1. Online lamang ang application, Walang Manual.
2. Libre ito.
3. Ipinagbabawal ang pagpapasa ng dalawa o higit pang aplikasyon.
4. Ang pag-submit ng application ay hindi nangangahulugang ikaw ay may voucher na, kailangang i-check ang resulta sa August 14 at kung successful ang application ay i-download ang QVA  Certificate.

Pinagmulan: PIA Gitnang Luzon via DepEd

Mungkahing Basahin: