Senior High School Voucher Program FAQ
Senior High School Voucher Program FAQ SY 2022-2023
Paano ginagamit ang voucher?
Ang isang qualified voucher recipient (QVR) ay maaaring mag-avail ng voucher sa pamamagitan ng Voucher Redemption. Ang pag-redeem ng voucher ay sa pamamagitan ng pag-enroll sa isang non-DepEd senior high school (SHS) na kasali sa SHS VP. Ang isang QVR na nag-redeem ng voucher ay magiging Voucher Program Beneficiary.
Ano ang pagkakaiba ng QVR, QVA, at QPB?
Qualified Voucher Applicant (VPB)
Learner na kailangang mag-apply, naging voucher applicant, at naging successful ang voucher application.
Qualified Voucher Recipient (QVR)
Learner na pwedeng mag-avail voucher dahil siya ay
1. automatically qualified, o
2. isang QVA
Voucher Program Beneficiary (VPB)
QVR na nag-redeem ng voucher sa pamamagitan ng pag-enroll sa non-DepEd SHS na kasali sa SHS VP.
Hanggang kailan maaaring gamitin ang voucher?
Kinakailangang ma -redeem ng isang QVR ang voucher sa school year na kasunod ng pagtatapos ng Grade 10. Ang huling araw ng voucher redemption ay sa Nobyembre 4 ng school year. Ang voucher ay maaari lamang gamitin sa loob ng dalawang taon – Grade 11 at Grade 12, na magkasunod na school year.
Magkano ang voucher?
Ang halaga ng voucher ay depende sa kategorya ng QVR at sa lokasyon, uri, at school fees ng non-DepEd SHS kung saan naka-enroll ang QVR.
Location of Non-DepEd SHS | QVR/QVA Category | Voucher Amount | Voucher Amount for SUC/LUC |
National Capital Region | Categories A,E,F Categories B, C, D | Php 22,500 Php 18,000 | Php 11,250 |
Highly urbanized cities (HUCs) outside of NCR | Categories A,E,F Categories B, C, D | Php 20,000 Php 16,000 | Php 10,000 |
All other locations | Categories A,E,F Categories B, C, D | Php 17,500 Php 14,000 | Php 8,750 |
Kung mas mababa ang school fees ng SHS kesa sa voucher, ang school fees lang ang babayaran.
Kung may voucher ako, libre na ba ang tuition at school fees ko?
Hindi ito awtomatiko. May mga SHS na mas mataas ang school fee kaysa sa halaga ng voucher. Kapag ganoon, may tinatawag na top-up, at ang learner at magulang o guardian niya ang magbabayad nito. Halimbawa, ang school fees ay Php 20,000, ang halaga ng voucher ng learner ay Php 14,000 lang, may top-up na Php 6,000 at babayaran ito ng learner at magulang o guardian niya.
Paano ko matatanggap ang bayad sa voucher ko?
Hindi niyo matatanggap ang voucher bilang cash. Direktang ibabayad ng DepEd sa SHS ang halaga ng voucher.
May SHS voucher ba sa DepEd public schools?
Wala. Ang SHS VP ay sa private SHS o hindi kaya ay sa SUCs/LUCs na may SHS lang.
Paano pag may typographical error ang aking QVA Certificate?
Pwede itong itama ng inyong school sa Voucher Management System (VMS). Ang mahalaga ay mayroon kang QVA Certficate Number dahil ito ang nagsisilbing student ID number sa system.
Grade 10 completer ako mula sa public school. Kailangan ko bang magpakita ng voucher certificate?
Hindi na. Kailangan mo lang ipakita ang iyong Grade 10 Report card sa iyong paaralan, kasama ng ibang admission requirements na maaaring hingin ng iyong school. Ang iyong Grade 10 Report Card ay dapat naglalaman ng iyong Learner Preference Number.
Grade 10 completer at ESC grantee ako mula sa private school. Kailangan ko bang magpakita ng voucher certificate?
Hindi na. Ang mga ESC-participating schools ay required na mag-issue ng ESC certificate sa kanilang mga ESC grantees. I-submit lamang ang iyong ESC certificate sa iyong school.
Saan ako maaaring magtanong tungkol sa aking application?
Maaaring makipag-ugnayan sa PEAC National Secretariat para sa mga sumusunod:
Application Process at Guidelines:
shsvp.application@peac.org.ph
Technical Concerns:
ovap.concerns@peac.org.ph
Mobile: 0917-702-4213
Ang mga tawag ay tatanggapin lamang tuwing 9:00 AM to 4:00 PM, Lunes hanggang Biyernes.
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Senior High School Voucher Program FAQ "