Sino si Magdalena Jalandoni?


Ngayong araw, Mayo 27, 2020, ay ipinagdiriwang ang ika-129 na anibersaryo ng kapanganakan ng manunulat na si Magdalena Jalandoni.


Si Magdalena Jalandoni ay tubong Jaro, Iloilo at kilala siya bilang nagpayabong ng panitikang Hiligaynon noong ika-20 siglo.


Itinuturing  din siya bilang unang Pilipinang  nobelistang may publikasyon. Sa unang mga dekada ng ika-20 siglo, inihanay siya sa mga tanyag na nobelistang pinamamayanian ng kalalakihan.


Higante rin siya ng panitikang Hiligaynon, kasama ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan at nobelistang Hiligaynon Ramon Muzones at Conrado Norada.


Ehemplo rin ang kaniyang pagpupursiging makapaglimbag gamit ang sariling wikang kinalakhan at kinamulatan (i.e., Hiligaynon). Isa sa mga paboritong tema niya sa pagsusulat ang pananaig ng pag-ibig sa lahat ng panahon.


Pinagmulan: Project Saysay @ProjectSaysay


Mungkahing Basahin: