Nazareno
On Paglalakbay
Ang Nazareno ay tumutukoy sa tagasiyudad ng Nazaret, sa Galilea o sa imahen ni Hesukristong may suot na kulay moradong damit.
Ngunit sa Pilipinas, tumutukoy ito sa pista ng Itím na Nazareno sa Quiapo, Maynila tuwing ika-9 ng Enero. Libo-libo ang debotong lumalahok sa prusisyon ng imahen dahil sa pinaniniwalaang himala nito.
Ang imahen ay kasinlaki ng tao at mula Mexico. Dinala ito ng mga pari ng Ordeng Recoletos sa simbahan sa Bagumbayan at inilipat sa Intramuros.
Noong 1787, ipinag-utos ni Basilio Sanco Junta y Rufina, Arsobispo ng Maynila, ang paglilipat ng imahen mula Intramuros patungo sa simbahan sa Quiapo.
Ilang kalamidad na rin ang nalagpasan ng imahen ng Itim na Nazareno. Naisalba ito nang masunog ang simbahan ng Quiapo noong 1791 at 1929; nakaligtas ito nang bombahin ang Maynila noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil sa pinsalang dulot ng mga kalamidad sa imahen, isang replika ang ginagamit sa mga prusisyon.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
No Comment to " Nazareno "