Huwego de Anilyo
On Palakasan
Ang huwego de anilyo ay isang uri ng paligsahang pangkalalakihan at idinadaos kung pista at malaking pagdiriwang. Ang pangalan ng laro ay mula sa Espanyol na juego de anillo o “laro ng singsing.” Tinutukoy ng “singsing” ang mga binilog na alambre o bakal na isinasabit sa isang sampayan at siyáng sisikaping matusok at matangay ng sinumang kalahok sa paligsahan.
Ang mga kalahok ay sumasakay ng kabayo o kalabaw at humihilera sa isang takdang pook sa plasa o palaruan, ilang metro ang layo sa sampayang may mga nakasabit na anilyo.
Ang anilyo ay may palawit pang laso o papel na makulay upang higit na maging kaakit-akit sa mata, lalo na’t tila sumasayaw sa hangin. Hawak ang isang punyal o instrumentong pantusok, patatakbuhing mabilis ng kalahok ang kabayo patungo sa sampayan at sakâ sisikaping makuha sa pamamagitan ng punyal ang isa sa mga anilyo.
Paligsahan ito sa husay sumakay ng kabayo o kalabaw, tatag ng pulso, at talas ng paningin.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Huwego de Anilyo "