Ang entresuwelo ay isang munti at singit na palapag sa isang bahay o gusali na nasa pagitan ng regular na dalawang palapag.


Mula ito sa Espanyol na entresuelo at literal na nangangahulugang “sa pagitan ng mga sahig o palapag.”Tinatawag din itong entresol o mezzanine.


Karaniwang inilalagay ito sa pagitan ng silong at ng sahig ng bahay. Nauso ito sa mga lungsod upang higit na pakinabangan ang espasyo ng mga lumang gusali na may tradisyonal na mataas na sukat ng pagitan ng sahig at bubong ng bawat palapag. Sa Maynila, naging katawagan ang entresuwelo para sa gayong paggamit ng espasyo upang matirahan ng maralitang pamilya o ng mga umuupang estudyante mulang probinsiya.


May iba’t ibang gamit ang entresuwelo. Sa modernong upisina, isang paraan ito upang maging imbakan ng mga ibinebentang kalakal na madalĂ®ng maipakita sa mamimili. Ginagamit din itong munting pulungan, lihim na taguan, o silid para sa manedyer.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: