On
Ano ang duhat?
 

Isang laging-lungtiang punongkahoy na tropikal ang duhat (Syzygium cumini) at nasa pamilyang Myrtaceae na halamang namumulaklak at katutubo rin sa India, Pakistan, at Indonesia.

 

Duhat in English:

  • Malabar Plum,
  • Java Plum,
  • Black Plum, o
  • Jambolan.


Ito rin ang tawag na bunga na may itimang asul na balat, hugis bilugan, may malamukot, nakakain, at namumulang laman, at may malaking buto sa loob. Nahahalintulad ito sa mga plum sa Ingles.


Isa sa popular na prutas ang duhat at kinakain nang hinog. Mayaman ito sa kalsiyum at iron, at gamut sa pagtatae. Ang katas ay maaaring gawing alak.


May pabrika na ngayon ng alak mulang duhat at itinuturing na parang tinto dulce. Sa Malaysia, ginagawang suka ang katas ng hilaw na bunga.


Ang balat ng punongkahoy ay gamot sa disenterya at naipanlilinis ng sugat ang tubig na pinagbabaran. Naipangmumumog din ang pinagbabaran ng hinog na bunga at ipinalalagay na gamot sa diyabetes. Ang dinurog na buto ay naigagamot sa pagtatae at sa diyabetes.


Isang sagwil sa pagkain ng matamis na duhat ang pangingitim ng gilagid at labì dahil nangangapit na katas. Kaya may tuksong “humalik sa uling” ang babaeng kumain ng duhat.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: