Kailan itinatag ang Asian Development Bank?
Nilalayon nitong matulungan ang umaabot sa 1.8 bilyong maralita sa rehiyon sa pamamagitan ng mga grant at pautang. Tumutulong din ang ADB sa edukasyon at pagsasanay ng mga eksperto, pagsusuri sa mga patakarang pangkabuhayan, at pagtulong sa pamumuhunan.
Nagsimula ito sa 31 miyembro at tinanggap ang mga miyembro ng United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (UNESCAP).
Sa ngayon, may 67 miyembrong bansa ito, na 48 ang mula sa loob ng Asia at 19 ang mula sa labas ng kontinente. Itinulad ang organisasyon nito sa World Bank, at tulad ng huli, may sistema ito ng tinitimbang na pagboto, ang ibig sabihin ang mga boto ay ipinamamahagi alinsunod sa suskrisyong kapital ng miyembro.
Sa ganito, ang Estados Unidos at Japan na may pinakamalaking bahagi ng puhunan ay may pinakamalaking bahagi din ng mga boto. Sumusunod bilang ikatlo at ikapat ang Tsina at India.
Ang pangunahing himpilan nito ay matatagpuan sa Lungsod Mandaluyong, Metro Manila, Filipinas. May mga opisina din ito sa iba pang 26 bansa.
Tumutulong ang ADB upang mapaunlad ang iba’t ibang larangan, tulad sa impraestruktura, serbisyong pangkalusugan, at sistemang may kinalaman sa pinansiyang pampubliko.
Aktibo ito sa edukasyon ng mga nasyon upang mapaghandaan ang mga panganib na dulot ng climate change at kung paano gagamitin sa tamang paraan ang mga likas na yaman.
Noong 2011, halos $21.72 bilyon ang naitulong ng ADB sa iba’t ibang bansa. Sa nakaraang anim na taon lamang, nakapagpaayos ito ng 135,000 silid-aralan, nakapagsanay ng 660,000 guro, nakapagpagawa ng 44,300 kilometro ng kalsada, nag-instala ng 300 megawatt ng bagong kapasidad pang-elektrisidad, at napalaki sa mahigit 2.7 milyon ang mga bagong microfinancing account.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Kailan itinatag ang Asian Development Bank? "