Central Luzon State University
Nagsimula ito bilang Central Luzon Agricultural School sa pamamagitan ng Executive Order No. 10 ng gobernador ng Nueva Ecija James F. Smith noong 12 Abril 1907.
Pangunahing layunin nito ang pagtuturo ng bagong kaalaman sa agrikultura para sa pangangailangan ng bukirin sa Gitnang Luzon. Naging kolehiyo ang paaralan noong 31 Disyembre 1950 sa atas ni Pangulong Elpidio Quirino. Naging unibersidad ng estado (“state university”) ito sa bisa ng Republic Act No. 4067 noong 18 Hunyo 1964.
Noong pang itatag ito ay kinilála sa kombinasyon ng gawaing akademiko at praktikum sa pagtuturo ng agrikultura at sining mekanika. Tinawag itong “ina ng mga paaralang bokasyonal sa agrikultura” sa buong bansa.
Bilang kolehiyo, ipinagmamalaki nitó ang pagiging unang kolehiyo ng estado para sa edukasyong pang-agrikultura, inhinyeriyang pang-agrikultura, at onomiyang pantahanan.
Ang CLSU ay may malawak na kampus at umaabot sa 658 ektarya. Narito ang Carabao Center na itinatag ni Pangulong Joseph Estrada para sa pagpapalago ng kaalaman tungkol sa kalabaw.
Noong 2001, ang CLSU ang ginamit na Model Agri-Tourism Site for Luzon ng magkasamang Kagawaran ng Agrikultura at Kagawaran ng Turismo.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Central Luzon State University "