On
Suki ang turing sa tao na matagal at palagian nang bumibili ng isang produkto o sa isang tindahan. Dahil dito, inaasahan din niya ang pribilehiyong tulad ng tawad at diskuwento.


Mula ito sa wikang Tsino na “siak” isang tao na kakilala at madalas makita at “khe” na mamimili o kostumer.


Bukod sa tawad, bahagi ng maaaring ibigay na pribilehiyo sa sukì ang unahin sa pagsisilbi kapag maraming bumibili at ang lalong mainam, ang karapatang mangutang.


Sa malalaking palengke, isang taktika ng mga tindera ang pagtawag na “Sukì! Sukì!” sa sinumang nagdadaan upang mahalinang huminto at tumingin sa paninda.


Kasunod nito ang garantiya na bibigyan ng di-karaniwang diskuwento, iyong mas mababa kaysa ibinibigay ng ibang tindahan, at pag-asikaso.


Karaniwang taktika naman ng bumibili na ipaalalang isa siyang “sukì” upang mabigyan ng gayong karapatan sa pinasok na tindahan.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: