Kinikilala si Lapulapu bilang unang Filipinong nagtanggol sa kalayaan laban sa mga Espanyol, at unang bayani ng bansa.


Si Lapulapu ang datu ng Mactan, isang maliit na isla malapit sa Cebu.


Nang dumating sa Filipinas si Fernando de Magallanes ay iniatas nito sa ilang pinuno ng barangay sa Cebu na magbayad ng buwis sa mga Espanyol. Nabalitaan ito ni Lapulapu at mahigpit niyang tinutulan ang mapailalim sa dayuhan.


Noong 27 Abril 1521, nilusob ng pangkat ni Magallanes ang Mactan. Sa Labanang Mactan ay napatay siya ng mga tauhan ni Lapulapu.


Noong 1961, naging lungsod ang bayan ng Opon sa isla ng Mactan at pinangalanang Lungsod Lapulapu.


Dalawang prominenteng bantayog ang itinayo para sa bayani: isa sa Dambanang Mactan at isa sa Rizal Park sa Maynila. Makikita ang kaniyang imahen sa sagisag ng Philippine National Police at sa lumang isang sentimong barya ng Bangko Sentral ng Pilipinas.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: