Simbahang San Sebastian
Tanyag ito bilang nag-iisang simbahang gawa sa bakal sa buong Asia, at bilang nag-iisang Neo-Gotikong simbahang bakal sa bansa at sa Asia. Ito ang luklukan ng Parokya ng San Sebastian at ng Pambansang Dambana ng Ating Ina ng Bundok ng Carmelo.
Pinagsama ng arkitektong Espanyol na si Genaro Palacios ang mga estilong Neo-Gotiko at Earthquake Baroque sa paglikha ng disenyo ng simbahan. Ginawa at inangkat ang bakal na ginamit sa pagpapatayo ng basilika mula sa Belhika.
Sinimulang itayo ang simbahan noong 1888 at binasbasan ng Arsobispo ng Maynila noong 1891. Tampok sa mga bakal na haligi, dingding, at kisame ng simbahan ang pinta ni Lorenzo Rocha at kaniyang mga mag-aaral; ang mga kumpesyonal, pulpito, altar, at limang retablo ay idinisenyo ni Lorenzo Guerrero; at ang mga estatwa ng mga banal na tao ay lilok ni Eusebio Garcia.
Noong 1973, ipinahayag ang San Sebastian Church bilang isang Pambansang Palatandaang Makasaysayan (National Historical Landmark). Noong 2006, isinama ng UNESCO ang simbahan sa tentatibong talaan ng mga posibleng World Heritage Site.
Ang Simbahan ng San Sebastian naman sa distrito ng Quiapo ay nasa ilalim ng mga Paring Rekoletos at makailang ulit ring napinsala ng lindol sa magkakahiwalay na taon. Dulot nito, pinagpasyahang itayo ang simbahan yari sa bakal na hinango sa Societe anonyme des Enterprises de Travaux Publiques na nakabase sa Belgica at itinayo ng mga inhinyerong Belhiko noong 1891. Ang mga stained glass windows naman nito ay mula sa isang kompanyang Aleman. Ang natatanging simbahang bakal sa Pilipinas at Asya ay naging basilika noong 1890; ginawaran ng panandang pangkasaysayan noong 1934, naging Pambansang Palatandaang Pook noong 1973 at naging Pambansang Yamang Pangkalinangan noong 2011.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Simbahang San Sebastian "