Guho ng Simbahang Guiob
Ginawa ang simbahan mula sa mga batong tangrib noong ika-16 siglo, at sa ngayon ang kampanaryo, bahagi ng kumbento, at mga pader na lamang ang natitira sa gusali.
Sinasabing pumutok ang bulkan noong takipsilim ng 13 Mayo 1871, at ang dating kabisera ng Camiguin, ang Cotta Bato, ay tuluyang nagiba. Daandaang tao ang namatay. Ang nalalabing ilang tipak ng bato ng simbahan, kung gayon, ang nalalabi na ring gunita ng buong bayan.
Bilang isa sa mga natatangi at pinakamatandang gusali sa isla, nagsisilbi ang guho bilang atraksiyong panturista. Pinangangasiwaan ito ng lokal na pamahalaan.
Walang bayad ang pagpasok at hinikayat lamang ang mga bisita na magbigay ng donasyon. May baluti ng lumot ang mga bato at inangkin na ng lungti ang itim at kulay-abong edipisyo. Isang kapilya ang itinayo sa loob ng guho at patuloy pa ring nagdaraos ng mga misa dito.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Guho ng Simbahang Guiob "