Salambaw
Ang salambaw ay isang kagamitan sa pangingisda na patuloy na ginagamit ng mga Muntinlupeño magmula noon hanggang ngayon.
Ito ay isang lambat na nakakabit sa balsang kawayan. Karaniwang gawa ito sa pa-kuwadradong lambat na nakatali sa matitibay na poste ng kawayan gamit ang lubid o alambre. Matapos pagdugtungin ang mga sulok nito, maaari na itong hatakin pababa at pataas ng tubig.
Nakaayon naman sa laki ng mga huhulihing isda ang laki ng mga butas ng lambat. Kadalasang mga hipon at mga maliliit na isda ang nahuhuli rito.
Text: Angelene Payte
Isang lambat ito na nakasakay sa isang balsang kawayan. Ang dating tawag dito ay pansag.
Maaaring ibaba o itaas ang salambaw sa pamamagitan ng kamay o motor. Kadalasang gawa ang isang salambaw sa lambat na hugis kuwadrado na nakapahalang at bahagyang nag-aanyong supot o bulsa sa gitna.
Nakatali ang lambat na ito ng lubid, kawayan o alambre sa apat na sulok. Ang apat na sulok ay pinagdudugtong ng tali o poste ng kawayan sa gitnang itaas na may ikinakabit ding isa pang tali. Sa pamamagitan ng taling ito na nakakabit sa poste, maaaring batakin pataas o pababâ ang lambat sa tubig. Ang laki ng mata ng lambat ay naaayon sa laki ng isdang balak hulihin.
Iba’t iba ang laki ng salambaw pero ang pangkaraniwan sukat nito ay 1×1 metro hanggang 4 x 4 metro. Mas pabilog ang hugis ng maliliit na lambat. Hindi ito nakakabit sa poste at ginagamitan lámang ng kamay.
Nakatayo naman ang poste ng malalaking lambat sa isang ikutan na may pabigat na bato o semento para madalîng batakin. Upang mahuli ang mga isda, ibinababa ang lambat sa tubig hanggang umabot ito sa ilalim. Pagkatapos, hinahagisan ng pagkain ang loob nito na nagsisilbing pain para lumapit ang mga isda.
Habang nanginginain ang mga isda, mabilis na binabatak paitaas ang lambat. Padas o batàng samaral ang kadalasang uri ng isda na nahuhúli sa pamamagitan ng salambaw.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Salambaw "