On
Ang Liwayway ang pinakamatandang lingguhang magasin na nakasulat sa wikang Filipino.


Pinangalanan itong Liwayway, na nangangahulugang “pagsikat ng araw,” dahil inasahan ng may-ari at tagapaglathala na si Don Ramos Roces, na ito ay magiging bagong simula ng isang matagumpay na publikasyon. Hindi siya nabigo dahil magsisiyamnapung taon nang tinatangkilik ng mambabasang Filipino ang magasin.


Una itong lumabas noong 18 Nobyembre 1922, sa pamamatnugot ni Don Ramon, katulong ang manunulat na si Severino Reyes, kapalit ng isinarang Photo News.


Ngunit hindi binili ng madla ang magasing ito noong nakasulat sa Espanyol, Tagalog, at Ingles. Naging mabili ang Liwayway, na nakasulat sa Tagalog, at naglabas ng mga katha at tula ng mga bantog na manunulat noon.


Dito nabuhay ang popular na serye ng mga kuwentong kababalaghan, ang “Mga Kuwento ni Lola Basiang” ni Severino Reyes.


Sa Liwayway unang lumabas ang “Ang mga Kabalbalan ni Kenkoy” ni Tony Velasquez, “Kulafu” ni Francisco Reyes, at “Isang Dakot na Kabulastugan” ni Deo Gonzales, na pinagsimulan ng komiks.


Nang panahon ng pananakop ng mga Hapones, ang magasin ay ginamit ng mga bagong mananakop sa ilalim ng Manila Simbunsiya.


Noong 1946, ibinalik kay Don Ramon ang publikasyon. Ibinenta niya ito kay Hans Menzi noong 1965 nang magretiro ang huli at maging aktibong tapaglathala. Ibinenta naman ni Menzi ang magasin sa Manila Bulletin Publishing Corp.


Pinagmulan: NCCA Official | Flickr


Mungkahing Basahin: