Bulalakaw
Malimit na ipinantutukoy din ito sa tila buntot ng liwanag na gumuguhit sa langit at tulad ng nabanggit na ay bunga ng pagkiskis ng partikulo sa atmospera. Tinatawag din itong “taeng-bituin.”
Bahagi ng pinag-aaralan ng mga arkeologo ang koleksiyon ng mga piraso ng bulalakaw na nagtagpuan noon sa Lambak Cagayan.
Isang malaganap na paniwala ang pagtingala sa langit kung gabi upang mag-abang ng bulalakaw. Alinsunod sa paniwala, matutupad ang anumang hilingin kapag naisip o nabigkas ito bago maglaho ang kislap ng bulalakaw.
Nagiging laro ito ng paligsahan at paliksihan ng paningin sa panig ng mga musmos. Paramihan ng natatanaw na bulalakaw. Isang romansa naman ito ng magkasintahan upang humiling ng magandang hinaharap sa kanilang pag-ibig.
Pinagmulan: NCCA official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Bulalakaw "