Binga Dam
Bahagi ito ng Binga Powerplant, na siyang gumagamit sa Ilog Agno upang makalikha ng koryente. Bukod dito, tumutulong ang dike na kontrolin ang pagbaha tuwing tag-ulan. Nagsisilbi din itong pook pasyalan at panghatak ng turista ng bayan ng Itogon.
Mayroong taas na 107.37 m at habang 215 m ang dike. Ang kalsada sa itaas ng dike ay may lapad na 8 m. Kayang humawak ng dike ng hanggang 87.44 milyon na metro kubiko ng tubig. Pagkagawa nito noon, káyang mag-ambag ng dike ng 100 megawatt ng koryente, at sinisikap itong itaas ngayon sa 120 megawatt.
Sa pangangasiwa ng National Power Corporation (Napocor), sinimulang itayo ang dam noong 1956 at binuksan pagkatapos ng apat na taon.
Ang Philippine Engineers Syndicate, Inc. ang humawak sa civil works ng proyekto. Tulad ng nangyari sa paggawa ng ibang dam sa Pilipinas, maraming mamamayan ng baryo ng Binga ang ipinalipat ng tahanan; nalubog naman sa artipisyal na lawa ang mga lupain ng kanilang mga ninuno. Nagkaroon ang dam ng malaking pinsala sa lindol ng Luzon noong 1990 at muli lamang isinaayos.
Pinagmulan: NCCA Official | Flickr
Mungkahing Basahin:
No Comment to " Binga Dam "